Timog Korea


Timog Korea 



Timog Korea ang isa sa pinaka kilalang bansa sa buong mundo. Kilala ang bansang ito dahil sa kanilang mga pagkain, pasyalan, kultura, klima at marami pang iba. Kilala rin ito dahil sa mga telenovela at mga pelikula na karaniwang nagpapakita ng kanilang kultura, turismo at marami pang iba.

Mayroong iba’t ibang uri ng mga pagkain ang matitikman sa bansang ito. Kadalasan ay maanghang ang mga pagkain dito. Sa una ay nanibago ako sa anghang ng mga pagkain dahil hindi pa ako gaanong sanay sa mga maanghang na pagkain noong panahon na iyon. Noong unang punta namin ay tag-lamig kaya naman karamihan ng aming mga kinakain ay maanghang at mainit dahil sa klima. Kumain rin kami ng beondegi o silk worm pupae.



Noong 2015, Sa unang pagkakataon ay naranasan namin ang makakita, makahawak at makatapak ng nyebe kaya ganun nalang aming kasiyahan. Kahit malamig ang klima, mas pinili pa naming maglakad lakad sa paligid at hayaang dumampi sa aming mukha ang pinong butil ng nyebe.

Ang mga ito ang ilan sa mga pinuntahan namin kung saan ginanap ang ilan sa mga sinusubaybayan at mga hinahangaan nating Koreanovela.



Nakapag-suot rin kami ng tradisyonal na kasuotan sa Korea na tinatawag na Hanbok. 


Natuto kaming sumulat at bumasa ng kanilang lengwaheng tinatawag na Hangul. Kaya naman sa tuwing kami ay nag-gagala ay napapractice namin ang pagbabasa nito. Dahil kahit saan ka tumingin ay makakakita ka ng gamitong lengwahe.

Comments